Pekeng optometrist, dakma

BULACAN, Philippines - Arestado ang 41-anyos na pekeng optometrist matapos ireklamo ng pamunuan ng Integrated Phillipine Association of Optometrist Inc.-Bulacan Chapter sa isinagawang operasyon sa Brgy. San Vicente, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Dinakma ang suspek na si Rafael Taganas dahil sa reklamo ni Dr. Manuel Manahan ng Barangay Longos. Ayon sa ulat, si Taganas ay naaktuhang namamasukan bilang optometrist sa isang kilalang optical clinic sa nabanggit na barangay. Nabatid na wala sa data base ng

Professional Regulation Commission ang pangalan ng suspek bilang optometrist.

Show comments