Maglola kinatay ng akyat-bahay

MANILA, Philippines - Napatay ang maglola matapos pagsasaksakin ng dalawang notoryus na akyat-bahay  na nanloob sa kanilang bahay sa Barangay Kabangbang, Bantayan, Cebu noong Lunes ng umaga. Bandang alas-5:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng maglolang sina Patricia Desamparado Batoy, 74; at siyam na taong gulang nitong apo na hindi tinukoy ang pagkakakilanlan sa ulat. Samantala, arestado naman ang mga suspek na sina Ruben Fabian at Romel dela Peña habang pasakay ng sasakyan patungong Estancia, Negros Occidental. Ang mga suspek ay natukoy ng mga awtoridad matapos na ituro ng mga testigo na siyang nakitang tumatalilis mula sa bahay ng maglola. Narekober mula sa mga suspek ang alahas na diyamante, P 4,000 cash at pitaka na pag-aari ng matanda.

Show comments