DAGUPAN CITY, Philippines – May posibilidad na may matinding problema sa asawa at pamilya kaya nagdesisyong magbaril sa sarili ang 32-anyos na pulis sa dalampasigan ng Bonuan Tondaligan sa Dagupan City, Pangasinan kahapon.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Christopher Abrahano, hepe ng Dagupan City PNP, kinilala ang nag-suicide na si PO2 Ariel Frieneza ng Mangaldan PNP at nakatira sa Barangay Malabago sa nabanggit na bayan.
Ang duguang katawan ng biktima ay natagpuan ng dalawang sibilyan na nagÂlalakad sa dalampasigan kung saan naisugod pa sa Decena Hospital subalit idineklarang patay dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo.
Huling namataang buÂhay ang biktima na umiinom ng alak noong Sabado ng hapon at humahagulgol dahil sa problemang personal.
Nabatid na ang misis ng biktima ay buntis at kasalukuyang nagpapagaling mula sa hindi nabatid na sakit.
Narekober ng pulisya ang isang Glock 9mm at isang basyo ng bala. The Phil. Star News Service