Belgian coed nag-suicide sa rooftop ng kolehiyo

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 18-anyos na Belgian stude matapos lumundag mula sa 5th floor ng kolehiyo sa Bacolod City, Negros Occidental noong Martes ng hapon.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Matthew Geurts, may kursong Fine Arts in Digital Media sa La Consolacion College, scholar ng American Field Service Organization at  pansamantalang nanunuluyan sa Barangay Bata sa nasabing lungsod.

Sa pahayag ng mga estudyante at kawani ng La Consolacion College, namataan pa nila si Geurts na nasa rooftop ng Mother Ignacia Consuelo Barcelo Activity Center kung saan biglang lumundag at lumagapak sa may quadrangle.

Nabasag ang bungo ng biktima na bagaman nagawa pang maisugod sa Pablo Torre Memorial Hospital ay idineklara na itong patay.

Narekober naman ang suicide note mula sa knapsack ng biktima subalit nagtataka ang pulisya kung bakit nakasulat ito sa salitang Pranses sa halip na Belgian kaya naghahanap pa sila ng interpreter para malaman ang isinasaad nito.

Show comments