Ex-chairman dedo sa mag-ama

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Napatay ang dating barangay chairman matapos pagtulungan gulpihin ng mag-ama sa Barangay Dalayap sa bayan ng Pinili, Ilocos Norte kamakalawa. Sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center nasawi ang biktimang si Samuel Ragus. Samantala, arestado naman ang mag-amang suspek na sina Aniceto Daduyo at Jayson Daduyo na pawang nakatira sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na tinangka ng biktima na sawayin si Pepito Salcedo subalit dito na siya pinagtulungan ng mag-amang Daduyo gamit ang sanga ng acacia.

Show comments