Nag-amok utas sa pulis

QUEZON, Philippines - Nagwakas ang pagiging siga ng 26-anyos na magsasaka na nag-amok makaraang mabaril ng pulisya sa Barangay Buenavista sa bayan ng San Narciso, Quezon kamakalawa ng hapon.

Namatay sa San Narciso District Hospital si Abundio “Bonjing” Ricafranca na sinasabing siga sa nabanggit na barangay at may kinakaharap na mga kasong pananaga at pagnanakaw.

Ayon sa ulat ng pulisya, namataan si Bonjing na nagwawala at hinahabol ng taga ang ina nitong si Aurella, 60.

Inawat naman ni Chairman Enrique Angulo at barangay tanod na si Leoncio Casanada subalit maging sila ay hinabol din ng taga.

Kaagad naman rumesponde ang mga pulis sa pamumuno ni PO3 Walter Canlas kung saan pinakiusapan si Bonjing na huminto subalit maging sila ay tinangkang tagain kaya napilitang barilin sa dibdib.

Show comments