Killer ng 10 sundalo, dakma

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Kalaboso ang panguna­hing suspek sa pagpatay sa 10 sundalo ng Phil. Army noong Abril 2012 matapos maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Centro 4, Tuguegarao City kamakalawa ng hapon. Sumasailalim sa tactical interrogation ang  suspek na si Rene Abiva, 23, sinasabing miyembro ng New People’s Army sa Ifugao. Ang suspek ay nahaharap sa kasong murder na may warrant of arrest na inisyu ng Lagawe Regional Trial Court sa Ifugao kaugnay sa pagkamatay sa 10 sundalo na inambush ng grupo ng suspek sa bayan ng Tinoc noong Abril 25, 2012. Hindi na nakapalag ang suspek sa mga elemento ng pulisya matapos masukol sa kanyang pinagtatagpuan sa  nabanggit na lugar dakong alas-3 ng hapon.

Show comments