Magsasaka sumugod sa inuman, kinatay

TUGUEGRAO CITY, Philippines – Isang 37- anyos na magsasaka ang halos ginawang pulutan ng kanyang kapitbahay sa dami ng natamong taga sa buong katawan matapos nitong sugurin ang inuman ng mga huli sa Brgy. Furagi, Solana, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jomari Libre ng nasabing lugar.

Nabatid na sinugod ng biktima ang inuman ng suspect sa pag-aakalang ang mga ito ang nambabato sa kanyang bahay na labis nitong ikinagalit

Nagdilim ang paningin ng suspect na si Pedro Elchico, 48 matapos makitang kinakaladkad ng biktima ang anak niyang dalaga at may tangan pang itak.

Sa kabila ng kalasingan ay nanaig ang silakbo ng suspect at nagawa nitong pagtatagain ng paulit- ulit ang biktima kahit itoy nakahandusay na sa semento hanggang malagutan ng hininga.

Agad ring nadakip ng mga nagrespondeng pulis ang suspect.

 

Show comments