Doktora dinedo sa bahay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Binaril at napatay ang 66-anyos na doktora matapos pasukin ang kanyang bahay ng mga ‘di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Siembre sa bayan ng Bombon, Camarines Sur kahapon ng umaga. Sa inisyal na ulat ng pulisya, ang duguang katawan ng biktimang si Dra. Ofelia Panganiban ay natagpuan dakong alas-6:30 ng umaga ng kanyang kapitbahay. Napag-alaman na bago natagpuan patay ang doktora kamakalawa ng gabi ay nakarinig ng putok ang kapitbahay subalit hindi ito pinansin sa pag -aakalang paputok lamang ito. Subalit kahapon ng umaga ay napansin ng ilang kapitbahay na hindi lumabas ang doktora kaya nag-usisa hanggang sa makita ang biktima na nakabulagta sa sahig  na may tama ng bala ng baril sa mukha.

Show comments