Tanod inutas sa inuman

CAMARINES NORTE, Philippines – Napaslang ang 44-anyos na barangay tanod matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Purok 5, Barangay Daculang Bolo sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte kamakalawa ng hapon.  Idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Dan Gantong na nagtamo ng malalim na saksak sa leeg habang sumuko naman ang suspek na si Angelo del Rosario, alyas Toledoy. Nabatid na bandang alas-5 ng hapon magkasamang  umiinom ng alak ang dalawa nang tumayo ang suspek sabay unday ng saksak sa nabiglang biktima. Matapos ang pananaksak ay tumakas ang suspek subalit naispatan ito kinabukasan sa kanyang pinagtataguan sa bahagi ng Sitio Potot, Barangay Daguit sa baya ng Labo, Camarines Norte.  

 

Show comments