Lolo kinatay sa inuman

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines - Isa na namang lolo ang kinatay ng kanyang nakababatang kainuman matapos magkapikunan sa Barangay Casambalangan, Sta. Ana, Cagayan kamakalawa. Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng matinding pagtatalo ang biktimang si Romeo Ganilla, 62;  at ang suspek na si Cesar Idefonso, 45. Nabatid na kapwa lango sa alak ang dalawa nang mapikon ang suspek sa tinurin ng biktima kaya nagawang pagtatagain nito ang matanda. Nasakote naman ang suspek matapos mapatay ang biktima noong Undas, isang lolo rin ang pinagtataga hanggang sa mapatay ng kanyang kainuman matapos mapikon sa biruan sa Barangay Pinoma, Cauayan City, Isabela.

 

Show comments