Cafgu itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang 26-anyos miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan kahapon ng madaling-araw sa bahagi ng Barangay Cabangcalan sa bayan ng Aroroy, Masbate. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Darwin Manlapaz habang tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Rolada Cristobal, Artemio Cristobal, Tonton Cristobal at isang ‘di-kilalang lalaki na pawang nakatira sa Barangay Lanang. Base sa police report, naglalakad pauwi ang biktima mula sa sayawan sa plaza nang harangin at ratratin bandang alas-3 ng madaling araw.

Show comments