Trak sinuwag ng traysikel

ILAGAN CITY, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 25-anyos na senglot habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng traysikel ang kasalubong na trak sa kahabaan ng highway sa  Brgy. Sili, Aurora, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Vicente Valdez ang nasawi na si Gener Cachola ng Barangay Bagong Tanza habang naisugod naman sa ospital ang tatlong sugatan na sina Edison Bareng, David Sagaysay at Gabby Sagaysay. Lumalabas sa imbestigayon na pauwi na ang mga  biktimang lulan ng traysikel mula sa inuman nang ma­gkasalubong at salpukin ang trak na minamaneho ni Reynaldo Baylon ng Barangay Sillawit sa Cauayan City. Base sa ulat ng pulisya, positibong mga lango sa alak ang apat na biktima kung saan nasawi ang driver ng traysikel na si Cachola habang nasa custody na ng pulisya ang driver ng trak.

 

Show comments