Acetylene gang kumana ng P5-M sa pawnshop

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P5 milyon halaga ng mga alahas, gadgets ang natangay ng mga miyembro ng acetylene gang sa isang pawnshop na pinasok sa pamamagitan ng pagdaan sa isang manhole kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Ayon sa  pulisya posibleng  alas-12:40 ng mada­ling-araw nang pasukin ng mga suspek ang Dos Pawnshop na matatagpuan sa Market Avenue sa Barangay, Palatiw sa pamamagitan nang pagdaan sa hinukay na tunnel malapit sa drainage system.

Narekober ng mga pulis mula sa lugar ang mga kagamitan na ginamit ng mga suspek sa pagnanakaw tulad ng dalawang acetylene tank, dalawang hydraulic jacks, LPG tank, bolt cutter, dalawang crowbars, manual drill, mga plais at mga guwantes mula sa tunnel.

 

Show comments