^

PSN Showbiz

Heart, kayang i-maintain ang kapayatan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart, kayang i-maintain ang kapayatan
Heart
STAR/ File

Nabasa ko sa column mo Salve sa PM, ‘yung comment ng marami tungkol sa sobrang kapayatan ni Heart Evangelista. Totoo nga na sobra naman yata ang ipinayat ni Heart pero bagay naman sa kanya.

Ever since kasi, fashionista na si Heart kaya siguro gusto niyang ma-maintain ang maliit na katawan.

Ang dami ngang nagsasabi na lately raw parang lahat ng gamit ni Heart ay signature items pero dahil sa image model siya ng Kamiseta Apparel ni Cris Roque madalas din na suot niya ang ibang items ng Kamiseta lalo pa nga ‘yung blouses na may pattern ng painting niya.

Bongga si Heart dahil pati teeners ngayon type ang style niya kaya naman mabili pa rin siya as endorser.

Basta kahit payat basta healthy, ok lang.

Magpapasiklab...

Pasabog agad si Robin Padilla nang sabihin niya na isusulong niya ang divorce at legal na paggamit ng marijuana. Siyempre mga issue ito na controversial kaya headline agad.

Mukhang magpapasiklab agad si Robin sa pag-upo niya sa Senado kaya naman inaabangan ng lahat ang mga galaw niya.

Well, pressure talaga ang pagiging number 1 kaya hindi mo rin masisi na talagang lahat ng galaw niya ngayon, parang binabantayan ng lahat.

Handa naman siguro si Robin sa mga hamon na dala ng pagiging senador kaya tingnan natin ang mga resulta ng kanyang ideas.

Tiyak naman marami siyang consultant at tagapayo sa mga dapat gawin.

We will be very glad to see him succeed dahil isa rin itong karangalan ng showbiz.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with