^

PSN Showbiz

Coincidence o serendipity? Gerald/Julia at Bea/Dominic, sabay-sabay nagbakasyon sa Thailand!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Coincidence o serendipity? Gerald/Julia at Bea/Dominic, sabay-sabay nagbakasyon sa Thailand!
Gerald Anderson at Julia Barretto.

Nasa bakasyon ngayon sa Thailand sina Gerald Anderson/Julia Barretto at Bea Alonzo/Dominic Roque.

Naunang nag-post si Julia ng pamamasyal nila ni Gerald sa river market - Market in Mae Klong, Thailand.

Habang sina Bea at Dominic naman ay nasa plane pa lang ang i-Instagram stories pero sa Thailand ang destination.

Well, maluwag ang Thailand, pero imagine pare-pareho silang nasa iisang bansa ngayon.

Sa rami nang ibang araw at lugar, nagkasabay pa talaga ang bakasyon nila.

Recently lang ay sinabi ni Bea na sa lahat ng ex niya, si Gerald ang hindi niya kayang makatrabaho ulit.

Sa vlog ni Barbie Forteza ay diretsong sinagot ng aktres na, “depende kung sinong ex. Kay Zanjoe, willing akong makipag-ano.”

Siyempre ang tinutukoy ni Bea ay si Zanjoe Marudo na nakarelasyon niya bago si Gerald.

“Depende sa ex. Isa lang naman ‘yung ayoko, eh.”

Ayon kay Bea, hindi raw kasi ugly breakup ang nangyari sa kanila ni Zanjoe at hanggang ngayon ay nananatili silang magkaibigan.

“It would be disrespectful to our partners if we ended it badly.

“Iba kapag may betrayal na factor,” aniya na ang tinutukoy ay ang ‘ghosting’ ni Gerald noon.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with