^

PSN Showbiz

Toni, nagpaka-simple sa inagurasyon

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Pre-empted ang lahat ng shows kahapon ng GMA Network at GMA News TV upang big­yang-daan ang full coverage ng inauguration ni President Ferdinand Marcos, Jr. sa National Museum.

Present ang First Family, ang tatlong lalaking anak nila pati na ang dating First Lady na si Imelda Marcos at iba pang dignitaries. Artistahin ang isa niyang anak, huh!

Touching ang departure honors kay past president Rodrigo Duterte sa Malacañang. Nakaka-proud din ang civic and military parade pati na ang mga pumaradang health workers, OFW, sports people, drivers at iba pang bahagi ng parade!

Maayos naman ang pagkanta ni Toni Gonzaga ng Lupang Hinirang at simple lang ang kanyang suot.

May bago na tayong presidente at bise presidente. Nawa’y mabigyan din ng pansin ang industriya ng pelikulang Pilipino na hirap na hirap hanggang ngayon.

Mabuhay ang Pilipinas!

Marian, hinahanapan ng ‘post!’

Tahimik na bumiyahe ang pamilya Dantes – Dingdong, Marian at mga anak na sina Zia at Sixto – pa­puntang Singapore.

Tanging si Dong ang nag-post ng ilang pictures ng kanyang pamilya sa pinasyalang lugar sa Singapore.

Na-miss tuloy ng netizens ang mga post ni Yan sa kanyang Instagram na pagdating ay tiyak na babalikan niya!

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with