First teleserye ni Bea, natatabunan ng kanyang mga kontrobersiya
Natatabunan ng mga ‘vlog’ ni Bea Alonzo ang publicity ng Start-Up nila nina Alden Richards and Jeric Gonzales.
Mas napo-focus sa mga personal issue niya ang mga publicity sa Kapuso actress.
Like pre-nuptial agreement, exes, at iba pa.
Nawawala ang focus ang promo ng local adaptation ng first ever teleserye niya sa GMA at lahat ay tungkol sa personal na buhay niya ang nagiging topic.
One year na si Bea sa GMA 7 pero wala pang binibigay na airing date ang network para sa kanilang first ever teleserye na parang matagal-tagal nang ginagawa.
Samantala, kinilig si Barbie Forteza na pinag-usapan ang chikahan nila ni Bea. “When Ms. Bea Alonzo’s team reached out to me to offer a vlog collab, I immediately said yes. Saka lang nag-sink in saken na, “Ay teka. Dapat effortan ko to. Dapat budgetan” (Kaya Judith, stay put ka lang diyan ha! Hahaha!).”
- Latest