^

PSN Showbiz

JC nagpatanggal ng dad bod, gusto uling magpa-sexy

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
JC nagpatanggal ng dad bod, gusto uling magpa-sexy
JC, Rhea at ShyLeena

Pormal na ipinakilala ng BeautéHaus ang dramatic actor na si JC at wife niyang si Shyleena Santos bilang kanilang new official brand ambassadors.

Itinatag ni Rhea Anicoche-Tan noong 2016, ang BeautéHaus ay subsidiary ng Beautéderm Group Of Companies at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga sa kasalukuyan.

Inalala ni Ms. Rei, na naisip niyang itayo ang BeauteHaus dahil bilang isang FM radio DJ, ang da­ming regular listeners niya na gustong makilala siya in person.

Pero pakiramdam niya ay hindi pa siya maganda that time at parang nakakaramdam siya ng insecurities.

Consistent ang kanyang listeners kaya naisip niyang i-put up itong BeauteHaus at iniisip niya raw na kung walang magiging client, at least gaganda siya.

At doon na nag-umpisa ang lahat.

“BeautéHaus started as a side hobby of mine. I initially bought all the machines for my personal use until I decided to open the clinic. I didn’t realize how successful the clinic is until several years ago,” banggit ni Madam Rei sa press launching kahapon.

Ngayon ay ipinagmamalaki niya ang clinic na isa sa may pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na binubuo ng mga dalubhasa sa larangan ng dermatology at kumpleto rin ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.

At sa nakalipas na anim na taon, ayon kay Ms. Rei ay libu-libo ang mga pasyenteng nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga signature procedures nito gaya ng Beauté­drip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu at marami pang mga pabo­loso at life-altering treatments.

Ngayon, ang center ang isa sa pinakapinagkakatiwalaang dermatological clinic ng mga taga-Angeles City gaya ng fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at Michelle Viray; ang top OB-GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies kung saan bahagi ang clinic at ang Beautéderm kasama ng celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internatio­nally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang na endorsers naman ng Beautéderm.

Going back to JC na ipinanganak at lumaki sa Pampanga, nagsimulang sumailalim si JC sa ilang procedures sa BeautéHaus matapos ipanganak ang kanyang baby girl.

Ang main concern ni JC ay maalis ang kanyang “dad bod” kaya naman sumailalim siya sa Lipodissolve at M-Shape – na non-invasive body sculp­ting at slimming treatments.

Sumailalim din si JC sa Beautétox para sa kanyang wrinkles at pati na rin ang Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata para makapagpa-sexy ulit sa pelikula.

“Kahit kaming mga lalake ay dapat um-effort para maging maayos ang aming itsura,” sabi ni JC. “Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy ta­king care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance. Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus sa aking workouts at healthy diet.”

Si Rhea Tan naman ay maligayang-maligaya rin ngayong bahagi na si JC ng Beautéderm Group Of Companies bilang brand ambassador ng BeautéHaus. “Exci­ted ngayong kasama na naming si JC lalo na at ngayong naghahanda kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center kung saan magi­ging bahagi ito ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taon na ito.

vuukle comment

BEAUTéDERM

JC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with