^

PSN Showbiz

Gretchen magiging lola na, Dominique manganganak na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gretchen magiging lola na, Dominique manganganak na!
Michael Hearn at Dominique Cojuangco.

Manganganak na diumano si Dominique Cojuangco, unica hija nina Tonyboy Cojuangco at Gretchen Barretto.

Yup, kumpirmadong magiging lola na nga raw si Gretchen ayon sa narinig kong kuwento.

Nauna na raw ikinasal si Dominique sa non-showbiz boyfriend nitong si Michael Hearn.

Nag-aral sa Istituto Marangoni sa London at Fashion Institute of Design & Merchandi­sing sa California, kung saan siya nagtapos ng magna cum laude, ikinasal raw ito sa negos­yante na may construction consultancy at cocktail bar sa isang simpleng seremonyas.

Hindi ma-social media si Dominique na kasalukuyan daw naka-base sa London.

Kaya inaabangan kung bibiyahe si Gret­chen pa-London para salubungin ang pagda­ting ng kanyang kauna-unahang apo.

Matagal-tagal na rin naka-social media break si Gretchen na naging aktibo sa kalagitnaan ng pandemya sa pag-ayuda sa mga showbiz industry workers na matinding naapek­tuhan ng covid-19.

Naging kontrobersyal naman siya kamakailan nang magkomento si La Greta tungkol sa suot na relos ni Sen. Bato habang dinidinig noon sa Senado ang isyu ng e-sabong na ngayon ay hindi na pinapayagang mag-operate.

ONE HAPPY FAMILY ANG ‘PATTERN...’

vuukle comment

DOMINIQUE COJUANGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with