^

PSN Showbiz

Rayver, inaming mahal na si Julie Anne

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rayver, inaming mahal na si Julie Anne
Rayver at Julie Anne.

Sabi nga sa isang FM radio, “kailangan pa bang i-memorize yan?”

‘Yan ang initial reaction ngayon sa sobrang closeness nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

Ano pa nga ba ang ibig sabihin ng mensahe ni Rayver sa Limitless Star nang sinelebrayt nito ang kanyang 28th birthday nung Lunes na ginanap sa Concept Space Manila. Sabi ni Rayver kay Julie Anne: “Gusto ko lang sabihin how much I appreciate you Juls.

“Gusto ko lang sabihin is nandirito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na and kapag okay na kay Tito at Tita, palagi lang akong nandito, Mahal kita. Happy birthday.”

Nakikita na rin sa mga ipinu-post nila sa kanilang Instagram account, at pati ang malagkit na tinginan nilang dalawa, “kailangan pa bang i-memorize ‘yan?”

“Happiest birthday to the one and only Asia’s limitless star and my everyday inspiration @myjaps.”

So kailangan pa bang aminin ‘yan?

Ian, ibang-iba sa ninuno

Ang lakas ng dating ng first single ni Ian Veneracion na ni-record niya kasama ang kanyang banda. Ninuno ang title na siya ang nagsulat, at ibang-iba sa mga kinakanta niya sa kanyang concert.

Rock ito na inspired sa Juan dela Cruz band, at iba pang iniidolo niyang rock band.

Ang lalim ng mensaheng ipinapara­ting sa kantang ‘yun, na puwede mo ring i-relate sa nangyayari sa ating pulitika sa ngayon. “Parang call it out to our ancestors to send us your love… ‘yun nga nasaan ang dangal. Nasaan ang tapang, nasaan ang respeto.

“Ang lyrics nun, kasi ‘yun ang questions to myself and also to the audience to ask yourselves those questions.

“Kasi nga, we come from bloodline of warriors. Why are so many people having victims now.

“Sa akin kasi importante ‘yung self-image kasi e. You see yourself as a hero, and instead of seeing yourself as a victim. We have the same struggles, from different perspective.

“If you’re a hero, you struggle with poverty. You struggle with this and that. Pero if you see there as like you’re slaying dragons, it’s meaningful.

“Even if you’re suffering, it’s meaningful. Pero when you see yourself as a victim… ang hirap kasi kahit nung araw nagrereklamo na parang kagatin ka lang ng lamok, parang ang hirap hirap naman.

“You have the same circumstances, pero just because of your mindset from the hero to victim, it’s such a beautiful experience.”

Sabi nga ni Ogie Alcasid, na bagong manager ngayon ni Ian sa kanyang A Team, napakatalinghaga ng paliwanag ni Ian sa kantang Ninuno.

Sabi ko nga, mairi-relate mo rin sa nangyayari sa ating pulitika sa ngayon.

“If you’re into politics, I’m sure you can find something dito sa song na ‘to,” pakli ng actor/singer.

Ngayong nasa A Team na si Ian, nilinaw naman ni Ogie na ibig sabihin iwan na niya ang pagiging aktor.

Nalilinya lang ngayon si Ian sa pag-perform sa mga concert at gigs, pero nandiyan pa rin daw ang pagiging aktor nito. “’Yung movies and TV, I think it’s a constant in his career ‘di ba?

“He’s a very very accomplished actor. But. I think it’s still scratching the surface pagdating sa music. So, we’re excited to see where this would take him.

“Hindi ko alam kung kailan titigil. In terms of hierarchy, actor talaga siya e,” pahayag ni Ogie.

Jose and Maria, umarangkada

Maganda ang rating ng pilot episode ng sitcom nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na nagsimula nung nakaraang Sabado.

Naka-13.5 percent ito, at maganda ang feedback at mukhang marami pa silang katatawanan sa mga susunod na episodes.

Hindi naman maitatangging ang comedy talaga ang strength ng GMA 7 kaya maganda rin kung magdagdag pa sila ng sitcom.

Consistent ding mataas ang Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz na naka-13.4 naman nung nakaraang Linggo.

Papasok na rin sa 27th year ang Bubble Gang na sa studio na silang lahat nagti-taping.

Bumalik na si Michael V. sa studio taping nila nung Lunes, at hindi na siya ‘work from home.’ Kaya asahan ang mas magandang Bubble Gang sa bagong format nito simula sa May 27.

“We’re really excited dun sa bagong chapter… I think parang lahat on their toes. Slowly, binabago na namin ‘yung flow ng programa,” pahayag ng direktor nilang si direk Frasco Mortiz.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with