^

PSN Showbiz

Vice, big no sa pulitika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice, big no sa pulitika
Vice
STAR/ File

Marami nang nag-alok kay Vice Ganda na subukan ang mundo ng pulitika. Para naman sa It’s Showtime host ay hindi talaga para sa kanya ang manungkulan sa gobyerno. “Basta mataas na posisyon, mataas na posisyon na naloka ako, talagang no,” giit ni Vice.

Naniniwala ang komedyante na posible siyang manalo kung sakaling tatakbo dahil sa milyun-milyon niyang tagahanga.

Aminado naman si Vice na talagang hindi para sa kanya ang larangan ng pulitika. “Hindi ako magaling doon, pwede akong manalo. Feeling ko pwede akong manalo kasi marami akong followers, marami akong fans, baka maraming bumoto sa akin. Maraming natutuwa sa akin pero ako sa sarili ko ngayon, hindi ako magaling doon. So bakit ako pupunta roon? Ano ‘yon, ipapahamak ko ‘yung Pilipinas ‘di ba? Not because you can win, you will run. No hindi gano’n,” paliwanag ni Vice.

Belle, inaming bida-bida kapag may family gathering noon pa

Nagsimula bilang child actress nang pasu­kin ni Belle Mariano ang show business noong 2012. Sa loob ng isang dekada ay kabi-kabilang proyekto na ang nagawa ng aktres. Bukod sa pag-arte ay sumabak na rin si Belle sa pagkanta. Ayon sa dalaga ay talagang hilig niya talagang kumanta mula noon pa man. “Nasanay ako talagang kumanta in front of everyone since growing up. Ako nga ‘yung tipo ng bata na bida-bida kunyari may family gathering or reunion. Ako ‘yung tipong lalapit sa mga titas at kakanta. Kapag may videoke, ako ‘yung unang grab ng microphone and then I’ll perform. From there on, do’n ko na na-develop na ang saya pala kumanta. Ang saya mag-entertain ng tao,” kwento ni Belle.

Malaki umano ang naging impluwensya ng pamilya ng dalaga sa kanyang pagkanta. “All throughout the years, I watch YouTube, I watch voice trainings. Pero hindi talaga ako nakapag-attend ng voice training. So really it was just my family’s influence over me. Kasi my lolo does sing. Siya ‘yung nagga-guide sa akin,” dagdag pa ng aktres.

Ngayong Sabado ay magkakaroon ng isang digital concert si Belle na may titulong Daylight. Mapapanood ito sa pamamagitan ng ktx.ph.

Masayang-masaya ang aktres dahil napagsasabay na niya ngayon ang pag-arte at pagkanta. “Because I love singing too. Hindi lang naman pwedeng isa ‘yung passion ko, madami naman. It applies to everyone na marami tayong passion and marami tayong gustong gawin and one of those is singing. I love singing, I love performing. As long as I can entertain people and I can make people smile and connect, na-enjoy ko siya. Siguro one thing I’m also passionate about as of the moment is really art. Anything related to art. I just love anything na aesthetically pleasing sa eyes. I love it, nai-enjoy ko siya,” pagbabahagi ng dalaga. 

(Reports from JCC)

vuukle comment

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with