^

PSN Showbiz

Ivana, secret ang sagot sa jojowain ni Joshua!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, secret ang sagot sa jojowain ni Joshua!
Ivana
STAR/ File

Kamakailan ay sumabak si Joshua Garcia sa online charity event ng ABS-CBN para sa mga nasa­lanta ng bagyong Odette. Dito ay nagkaroon ng segment sina Darla Sauler at Alora Sasam na ‘Jojowain o Totropahin’ kasama ang aktor. Naitanong kay Joshua kung Jojowain o Totropahin ba niya si Ivana Alawi. “Siyempre, Jojowain. I mean, come on, choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy. Lahat sinabi na,” nakangiting pahayag ni Joshua.

Matatandaang si Julia Barretto pa ang huling naging kasintahan ng aktor.

Si Ivana ay wala rin namang karelasyon ngayon kaya posibleng magkaroon ng espesyal na ugnayan ang dalawa. Naniniwala naman umano si Joshua na tadhana na ang makapagsasabi kung saan hahantong ang pagiging magkaibigan nila ng aktres. “Pero hindi kasi lahat ng tao masasabi mo na meant para maging karelasyon. May nakatadhana sa ‘yo na mami-meet mo lang para maging kaibigan mo, ‘yon lang ‘yung sa akin,” makahulugang giit ng binata.

On the spot namang tinawagan sa cellphone ni Joshua si Ivana habang nakasalang pa sa naturang segment. Natanong din ang dalaga ng ‘Jojowain o Totropahin’ ba kung sakali ang aktor. “Secret, ha-ha-ha!” maikling sagot naman ni Ivana. Matatandaang inamin ng sexy actress noong isang taon na crush niya si Joshua. Nagkakausap ang dalawa noon sa pamamagitan ng direct messages sa Instagram.

DJ Loonyo, natupad ang pangarap kay Gloc-9

Natupad na ang pinapangarap lamang noon ni DJ Loonyo na makatrabaho si Gloc- 9. Ayon sa dancer at aspiring singer ay talagang malaki ang paghanga niya sa sikat na rapper. Ngayon ay nagkaroon ng collaboration ang dalawa para sa Bakit na bagong kanta ni DJ Loonyo. “Talagang ipinagdasal namin ‘to na umoo si Sir Gloc. Inspired kasi ako kay Sir Gloc since Simpleng Tao pa lang. Sobrang idolo, ‘yung pananaw ni Sir Gloc sa buhay, sa pagiging artist,” pagbabahagi ni DJ Loonyo.

Ayon sa online sensation ay nagsilbing inspirasyon ang istorya ng isa niyang kaibigan kaya nabuo ang bagong kanta. “Bunga siya ng nagkukulitan lang. Then meron kaming isang tropa na mahal na mahal niya ‘yung babae pero torpe siya. Palagi siyang, ‘Sa susunod na lang.’ Doon namin nakuha ‘yung kulit ng kantang ‘yon,” kwento niya.

Noong Disyembre lamang nailabas ni DJ Loonyo ang kantang Bakit sa ilalim ng Universal Records. Masaya naman umano para kay Gloc-9 ang naging trabaho nila ni DJ Loonyo sa bagong proyekto. “No’ng binigay nila sa akin ‘yung kanta buo na. Sobra akong natuwa dahil kailangan ko na lang sundan kung ano ‘yung direksyon na nilatag nila para sa akin. Kaya natutuwa ako sa collaborations ko lately. Kasi ito na ‘yon, nakabihis na. I’m very, very happy with the outcome ng kanta,” paglalahad ni Gloc-9.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with