^

PSN Showbiz

Miss Universe tuloy kahit may nag-positive na kandidata, Beatrice hindi milyon ang followers

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Miss Universe tuloy kahit may nag-positive na kandidata, Beatrice hindi milyon ang followers
Beatrice
STAR/ File

Ahh tuloy naman pala ang Miss Universe 2021 na gaganapin sa bansang Isreal.

Ito ay kahit na nga napaulat kahapon na nag-positive sa COVID ang representative ng France na si Clemence Botino.

Nagulat nga raw ang Miss Universe France sa kanyang pag-positive at iniyakan ito.

Isa ang Israel sa mabilis nagsara sa foreign travelers matapos nilang ma-detect ang isang kaso ng Omicron variant na nanggaling diumano sa South Africa.

Anyway, mapapanood ng pageant fans ang 70th Miss Universe Competition ng live sa Dis. 13 simula 7:30 ng umaga sa A2Z channel 11.

Galing Cebu City si Beatrice Luigi Gomez na pambato ng bansa pero wala pang kalahating milyon ang followers niya sa kanyang Instagram page kaya nanghihingi rin siya ng suporta.

Makakaharap ng Pinay beauty queen ang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa sa mundo na nagnanais manahin ang koronang suot ngayon ni Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico.

Maaari siyang suportahan ng publiko sa pamamagitan ng pagboto sa kanya sa Miss Universe app para sa pwesto sa semifinals.

vuukle comment

BEATRICE LUIGI GOMEZ

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with