^

PSN Showbiz

Kim naligo sa Showtime, dumaan sa mga intriga bago naka-isang taon!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim naligo sa Showtime, dumaan sa mga intriga bago naka-isang taon!
Kim
STAR/ File

Isang taon na pala agad sa It’s Showtime si Kim Chiu.

At ang blowout niya sa fans, naligo siya sa kanyang production number last Saturday. As in, may pa-rain shower effect ang opening number ni Kim sa noontime show ng Kapamilya channel.

Bago ang kanyang first anniversary celebration ay nagkaroon ng mga intriga na tatanggalin siya sa show recently lang. Naisyuhan din siya sa controversial comment about cheating at pagkakamali sa Bible verse.

At ang pinaka-recent, ang statement ni Direk Bobet Vidanes na oo nga at hindi siya pinangalanan pero hulang-hula diumano na siya ang sinasabi nito sa interview : “Marami po akong information na nagugulat ako, nalalaman ko na lang nung malapit na kaming umere na meron pala kaming additional host na bibigyan ng bulaklak. Opo (sa Showtime). ‘Wag n’yo na lang tanungin kung sino, panoorin n’yo na lang basta may mga ganon. Nagde-decide sila na meron palang permanent na new member, ano ba naman ‘yung sabihin nila ako. Eto po ‘yung mag-eere na kami. Ano ba naman ‘yung konsultahin nila ako tapos pagdating dun iba-iba yung kwento,” pag-alala ni Direk Bobet nang makausap namin a week ago sa LOL (Lunch Out Loud) anniversary taping.

Halos isang taon na rin si Direk Bobet sa Lunch Out Loud ng Brightlight Productions sa TV5.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with