^

PSN Showbiz

Claudine, nanggulat!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Claudine, nanggulat!
Claudine.

Marami ang ginulat ni Claudine Barretto na tatakbo siyang konsehal sa Olongapo.

Sana manalo sila ng manager niyang si Arnold Vegafria, at blowout niya ang PAMI sa Olongapo ‘pag nanalo siyang mayor doon.

Baka nga mas marami pang kagulat-gulat na reveal sa October ‘pag nag-declare na lahat ng candidacy, doon na natin mababasa ang pangalan ng lahat ng sasali sa eleksyon at kung anong position.

Talagang cool na ang election 2022, bongga to the max, but why not? Lahat may karapatan, basta Pilipino, go for it, kung puwede kong iboto lahat gagawin ko.

Sylvia at Alden, wagi sa Star Awards

Good news naman na nanalo as Best Actor at Best Actress sina Alden Richards at Sylvia Sanchez sa Star Awards for Movies. Parehong mahusay na artista sina Alden at Sylvia, at pareho ring maganda ang PR kaya marami ang natuwa nang sila ang piliin ng PMPC.

Tiyak na tuwang-tuwa si Alden dahil isa ito sa pangarap niya, ang tanghaling best actor, at lagi namang gusto ni Sylvia na kilalanin ang trabaho niya bilang artista.

Talagang kahit pandemic iniraos nila ang awarding at kahit virtual ay nagawa nila ang presentation. Nauna na itong ginawa ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) last May na lagi ring hinihintay ang choices sa mga ganitong award para sa showbiz.

Noli, nakumbinsi ni Yorme 

Wow, Salve, balik-pulitika pala si Noli de Castro. Naging senador at VP noon si Noli pero after ay balik radio/TV siya at akala ng marami nalimutan na ang politics. Pero siguro nga malakas ang convincing power ni Mayor Isko Moreno kaya tatakbo uli si Noli de Castro bilang senador naman this time.

Bongga rin naman dahil meron na rin siyang experience sa politics at sa tagal niya sa radio at TV sure tayo na alam na niya ang mga problema na dapat harapin at ayusin.

Bongga rin na dahil sa exposure sa TV Patrol kilalang-kilala na sa buong bansa si Noli.

Go go Noli de Castro, malakas tiyak ang laban mo, Fighting!

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with