^

PSN Showbiz

Coco at Julia, na-stock sa isa’t isa habang lock-in

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Coco at Julia, na-stock sa isa�t isa habang lock-in
Coco at Julia.

Hindi pa rin pala nakaka-resume ng taping ang unit nina Coco Martin and Julia Montes sa Ang Probinsyano na naka-lock-in sa Ilocos.

Kasama pala ang tropa ni Coco sa na-extend ang quarantine at naghihintay ng result ng reswabbing.

Pero ang ibang unit daw na nasa ibang hotel, nagti-taping na pero hanggang sa Baluarte lang at hindi pa sila maka-taping sa Vigan, Ilocos dahil wala pa rin permit na galing sa LGU.

More than two weeks nang naka-quarantine ang buong cast ng Ang Probinsyano dahil nga may staff daw na nag-positive ayon sa aking source pero may iba raw ay nakatapos na at all-negative na raw sa reswabbing pero ‘yun nga, ‘yung unit daw ni Coco ang kasama sa mga natirang naka-quarantine.

Wala pang update ang source ko dahil kahapon supposedly lalabas ang result ng reswabbing nila Coco at Julia.

At least walang sadness factor si Coco dahil andun si Julia.

Film at AV shoot pinayagang mag-operate nang hindi hihigit sa 50 na katao  

 Kasunod ng COVID-19 Alert Levels System ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 4 simula Setyembre 16 hanggang 30.

At sa ilalim ng Alert Levels System, ang film at audiovisual production shoots ay pinapayagang mag-operate nang hindi lalagpas sa 50 katao sa kahit anong oras at napapailalim ito sa parehas na mga restriction at protocol ng DTI-DOLE-DOH Joint Administrative Order (JAO) No. 2021-0001.

Pinapaalalahanan din ang mga production activities na kinakailangan sundin ang mahigpit na pagpapatupad ng Minimum Public Health Standards at ang pag-iwas sa tatlong (3) Cs: 1.) Closed Spaces 2.) Crowded Places 3.) Close-Contact Settings.

Hinihikayat ng Safe Filming Program ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) ang lahat ng film at audiovisual productions na sumunod sa safety at health protocols ng gobyerno sa pademya. Upang matulungan at magabayan ang production sa new normal, maaaring magrehistro sa Safe Filming Program.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa safe and healthy protocols para sa production shoots at audiovisual activities sa community quarantine areas,  basahin ang DTI-DOLE-DOH JAO 2021-0001 sa http://bit.ly/OmnibusGuidelinesNFVPforCovid19 o bumisita sa www.safefilming.ph.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with