^

Probinsiya

Bundok gumuho: FX nadaganan ng bato, 1 dedo  

Joy Cantos, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Bundok gumuho: FX nadaganan ng bato, 1 dedo     
Kinilala ng Atok Police ang nasawi na si Richardick Cayacay, habang patuloy na inoobserbahan dahil sa tinamong sugat sa ulo si Susan Cayacay Ubongen, 59; kapwa residente ng Barangay Poblacion, Tadian, Mt. Province.
STAR/ File

ATOK, Benguet, Philippines — Isa ang nasawi habang isa pa ang sugatan matapos mabagsakan ng rumaragasang mga bato mula sa bundok ang isang sasakyan sa bahagi ng Barangay Cattubo sa Atok, Benguet ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ng Atok Police ang nasawi na si Richardick Cayacay, habang patuloy na inoobserbahan dahil sa tinamong sugat sa ulo si Susan Cayacay Ubongen, 59; kapwa residente ng Barangay Poblacion, Tadian, Mt. Province.

Sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng isang Tamaraw FX na sinasakyan ng mga biktima ang kahabaan ng kalsada sa KM. 53  patungo sa La Trinidad, Benguet nang biglang gumuho ang itaas na bahagi ng bundok.

Sa kamalasan, naabutan at nadaganan ng mala­king bato na gumulong mula sa itaas ng bundok ang papadaan na sasakyan ng mga biktima dakong ala-1:40 ng hapon.

Mapalad naman na hindi nasugatan ang iba pang sakay na sina Manuel Ubongen, driver ng FX at ang 15-anyos na si Jaromir Ubongen, na kapwa residente rin sa nasabing lugar.

Sa kabila ng matinding pinsala na inabot ng sasakyan, pinilit pa rin ng driver na si Manuel na imaneho ito para madala ang mga biktima sa Atok District Hospital kung saan dito idineklarang dead-on-arrival si Cayacay dahil sa pagkadurog ng kanyang katawan.

Si Cayacay ay nakaupo umano sa passenger seat kung saan dito sumapol ang malaking tipak ng bato na dumagundong mula sa itaas ng bundok.

vuukle comment

RICHARDICK CAYACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with