^

Probinsiya

7 sundalo sugatan sa landmine explosion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang nagsasagawa ng community service Pitong sundalo ang malubhang sugatan matapos na sumabog ang itinanim na anti-personnel mine ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng community service ang militar sa Mapanas, Northern Samar nitong Martes.

Ayon kay Major Gen. Eduardo de Leon, commander ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, alas-6:15 ng umaga nang magkakasunod na sumabog ang apat na eksplosibo na itinanim sa may puno ng niyog na itinago sa may damuhan ng mga rebeldeng NPA sa Brgy. Magsaysay, Mapanas ng lalawigang ito.

Kinilala ni De Leon ang mga nasugatang sundalo sa kanilang mga apelyido lamang na sina Sgt. Ed,  Pfc. John, Cpl. Rob, Pfc. AR, Pfc. Ron at Pvt. Gil.

Nasa kritikal na kondisyon si Pfc Jas dahil sa matinding mga sugat na tinamo sa tiyan sa pagsabog ng eksplosibo.

Ayon kay De Leon, nagsasagawa ng community service ang pinagsanib na elemento ng Army’s 20th Infantry Battalion  (IB) at 63rd Infantry Battalion (IB) sa naturang lugar nang mangyari ang pagsabog. Habang naglalakad ang mga sundalo papasok sa nasabing barangay nang biglang sumabog ang mga itinanim na bomba kung saan malakas na anti-personnel mine ang ginamit. Ilan sa mga sundalo ay humagis pa ng ilang metro sa lakas ng pagsabog.

Kinondena ni De Leon ang insidente dahil ipinagbabawal sa International Humanitarian Law (IHL) ang paggamit ng anti-personnel mine. Aniya, ang pinagtaniman ng bomba ng mga rebelde ay daanan ng mga residente at mabuti na lamang at walang nadamay na sibilyan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with