^

Probinsiya

Magsasaka naghamon ng away kinatay na parang hayop

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka naghamon ng away kinatay na parang hayop
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Efren Aureada, 40, may asawa at residente ng Barangay Pagkakaisa habang naaresto naman ang suspek na si Ryan Saunar, 45, residente ng nasabi ring lugar.
STAR/File

SAN NARCISO, Quezon, Philippines — Nagmistulang kinatay na hayop ang isang magsasaka makaraang pagtatagain nang kanyang hinamon ng away sa Sitio Centro, Barangay Aurin sa ba­yang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Efren Aureada, 40, may asawa at residente ng Barangay Pagkakaisa habang naaresto naman ang suspek na si Ryan Saunar, 45, residente ng nasabi ring lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-7:30 ng umaga habang nag-aalmusal ang suspek sa loob ng kanilang bahay ay nakarinig siya ng sigaw mula sa labas.

Nang dumungaw sa bintana ang suspek ay nakita niya ang biktima na lasing na hinahamon siya ng away kaya kumuha siya ng itak sa kusina at lumabas.

Agad na tinaga ng suspek ang naghahamon na biktima sa katawan na bagama’t sugatan ay nagawang tumakbo. Gayunman, hinabol pa rin ng suspek at nang abutan ay pinagtataga sa ulo at leeg hanggang tuluyang malagutan ng hininga.

Inaalam pa ng pulisya ang ugat ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with