^

Probinsiya

Habal-habal driver inutas, suspek napatay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Idineklarang dead on arrival ang habal-habal driver habang sugatan ang isa pa matapos silang pagbabarilin na isang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Soccsksargen, kamakalawa ng hapon sa Tupi, Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Percy Lagne Jr., 43, habal-habal driver, residente ng Purok 4, Barangay Polonuling, Tupi habang ginagamot sa ospital si Noel Alconera, 62, may asawa, residente ng Perez, Subdivision, Purok Malakas, Barangay San Isidro, General Santos City.

Napatay naman sa hot pursuit operation ang suspek na kinila­lang si Montaser Bansil Catucan, alias “Tong Catucan,” miyembro ng Dawlah Islamiyah-Soccsksargen.

Batay sa ulat ng Tupi Municipal Police Station, alas-12:00 ay nasa terminal ng mga habal-habal ang biktima na matatagpuan sa  Crossing Polonuling, Purok 15A, Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato.

Dito ay dumating ang mga suspek na nakamotorsiklo at bigla na lamang pinagbabaril si Lagne at bago tumakas ay binaril din si Alconera na napadaan lamang sa lugar.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa ospital ang mga biktima, subalit dineklara itong patay ng mga doctor.

Nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad at namataan ang mga suspek sa Purok 5, Barangay Sumbakil, Polomolok at sa halip na sumuko ay  bina­ril ng mga ito ang mga pulis kaya gumanti na rin ng putok ang ope­ratiba at tinamaan si Catucan.

Isinugod ng mga pulis si Catucan sa ospital, subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga habang ang kasama ng suspek ay nakatakas.

vuukle comment

CATACUTAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with