^

Probinsiya

Mister dinukot, pinagtataga sa gulayan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mister dinukot, pinagtataga sa gulayan
Batay sa ulat ng Morong Municipal Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw ng Miyerkules nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa gulayan sa Kalye Mahangin sa Brgy. Maybancal, Morong matapos magtungo sa kanilang himpilan ang kinakasama ng biktima na si Angelisa Villamer upang ireport ang nangyaring insidente.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang mister ang patay nang dukutin ng anim na ‘di kilalang lalaki sa kanilang tahanan sa Binangonan, Rizal at dinala sa bayan ng Morong saka pinagta­taga sa isang gulayan kahapon ng madaling araw.

Mga taga sa leeg at katawan ang ikinasawi ng biktimang nakilalang si Marlon Medina, nasa hustong gulang, residente ng Binangonan, Rizal habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng anim na lala­king dumukot at pumatay sa kanya.

Batay sa ulat ng Morong Municipal Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw ng Miyerkules nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa gulayan sa Kalye Mahangin sa Brgy. Maybancal, Morong matapos magtungo sa kanilang himpilan ang kinakasama ng biktima na si Angelisa Villamer upang ireport ang nangyaring insidente.

Sa salaysay sa pulisya ni Villamer, dakong alas-10:00 ng gabi nitong Martes ay nagpapahinga na silang mag-partner sa loob ng kanilang tahanan sa Binangonan nang bigla na lang dumating ang mga suspek at puwersahang pumasok.

Sapilitan umanong tinangay ng mga suspek sina Medina at Villamer at saka kinaladkad patungo sa Morong, gamit ang kanilang sasakyan.

Pagsapit ng alas-2:00 ng madaling araw, ibinaba umano ng mga suspek ang biktima sa gulayan sa Kalye Mahangin at doon pinagtataga saka inabandona, habang si Villamer ay pinakawalan naman sa Tatala, Binangonan.

Nang makalaya ay kaagad namang nagtungo sa presinto si Villamer upang ireport ang pangyayari.

Sinamahan ng mga pulis si Villamer sa ­Kalye Mahangin kung saan inabandona ang biktima ngunit patay na ito nang kanilang datnan.

vuukle comment

MARLON MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with