^

Probinsiya

10-metrong sinkhole lumutang sa Taal, Phivolcs inalerto

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
10-metrong sinkhole lumutang sa Taal, Phivolcs inalerto
Ang sinkhole na lumutang sa harapan ng bahay ng isang residente sa Brgy. Apacay sa bayan ng Taal sa Batangas nitong Miyerkules.
Arnell Ozaeta

Dahil sa mga pag-ulan at pagbaha…  

BATANGAS, Philippines — Inalerto kahapon ng lokal na pamahalaan ng Taal ang Philippine Institute­ of Volcanology and Seis­mology (Phivolcs) matapos na lumutang ang may 10-metrong lalim na sinkhole sa isang barangay kasunod ng walang humpay na mga pag-ulan at pagbaha sa lalawigang ito.

Ayon sa residenteng si Pepito Balbacal, nadiskubre nito ang paglitaw ng sinkhole sa entrance gate ng kanilang bahay matapos ang malakas na pag-ulan sa Barangay Apacay.

“Bago pa man mabuo ang sinkhole ay may mga bitak na akong nakita sa bahay bunsod ng pagputok ng bulkan pero ‘di naman gumuho ang lupa nito,” ani Balbacal

Naniniwala si Balbacal na posibleng lumambot na ang lupa sa ilalim ng kanilang bahay na nagbunsod para lumikha ng sinkhole matapos ang pagbaha sa kanilang lugar. Agad niyang ipina­alam ito sa kanilang barangay at munisipyo sa pangambang tuluyan nang gumuho ang kanyang bahay.

Mabilis namang ki­nor­donan ang bahay ni Balbacal para maiwasan ang aksidente. Suwerte naman at walang nasaktan o namatay na residente sa pagbitak ng lupa o paglitaw ng sinkhole sa Barangay Apacay.

Bunsod nito, iniutos ni Taal Mayor Pong Mercado na isarado ang barangay road na apektado ng sinkhole.

Sa kabila nito, hiniling ni Balbacal sa mga local officials na tabunan na lang ang sinkhole pero tumanggi si Mercado habang inaantay ang mga opinyon ng mga eksperto mula sa Phivolcs at Department of Environment and Na­tural resources (DENR) Mines and Geosciences Bureau.

Humingi na rin ng tulong si Mercado sa Office of Civil Defense para ma-survey ang lugar at alamin kung anong lugar ang hindi na maaaring tayuan ng bahay dahil sa sinkhole.

vuukle comment

PHILVOCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with