^

Probinsiya

Top 1 ‘most wanted’ ng CamSur, nalambat sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang tinaguriang Top 1 “most wanted person (MWP) sa Camarines Sur matapos ang ikinasang operasyon sa Silang, Cavite noong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek­ na si Michael Anthony­ Pan­tela Sarmient alias “Michael Pantela Sarmiento­”, binata, factory­ worker, tu­bong Camarines Sur at residente ng Tibayan­ compound Aguinaldo High­way, Barangay Biga 2, Silang, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-4 ng madaling araw nang magkasa ng ope­rasyon kontra MWPs ang pinagsanib na puwersa ng Silang at Caramoan Municipal Police, Regional Intel Unit-4A PIT Cavite sa Brgy. Biga 2, Silang na nagresulta sa pagkakaaresto ni Sarmiento.

Bitbit ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban kay Sarmiento na insiyu ni Judge Ma. Angela Companado-Arroyo ng Camarines Sur Regional Trial Court dahil sa kasong acts of lasci­viousness.

Si Sarmiento ay tina­guriang Top MWP, Muni­cipal Level ng Caramoan Municipal Police.

Halagang P180,000 ang inirekomendang­ pi­yansa para sa pansaman­ta­lang paglaya ng akusado na kasalukuyang nasa kus­­­todiya na ng Caramoan­ Police­.

vuukle comment

MWP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with