^

Probinsiya

33 bomba lumutang sa kanal

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 33 bomba ang napasakamay ng mga awtoridad matapos itong mahukay ng mga obrero sa isang construction site sa Midsayap, North Cotabato kamakalawa.

Batay sa report ng Midsayap Police, dakong alas-4 ng hapon nang matagpuan ang mga bomba sa Barangay Sadaan sa kanal na may lalim na 3-metro sa isang construction site.

Kuwento ng mga construction workers, naghuhukay sila sa naturang lugar para sa ginagawang bagong drainage sa may daan nang kanilang aksidenteng mahukay ang 33 pirasong unexploded ordnance (UXOs).

Agad naman nilang ipinagbigay-alam sa pulisya ang mga nahukay na bomba at tinurn-over sa PA 34th Infantry Battalion’s Explosive Ordnance Disposal (34IB-EOD) team para sa tamang disposal.

Ayon kay Lt. Col. Rolly C. Oranza, hepe ng Midsayap Police Station, ang naturang lugar ay dating detachment ng Philippine Constabulary, taong 1970 at ang mga hindi nagamit na bomba ay sinadya nilang ilibing para sa kaligtasan.

vuukle comment

BOMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with