^

Probinsiya

Misis pumagitna sa away, kinatay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Misis pumagitna sa away, kinatay!
Dead-on-the spot dahil sa malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Reyna Daliva Tugbo, residente ng naturang barangay habang nakaligtas sa pananaga ang kanyang­ ate na si Lorena, 42-an­yos, dalaga.
STAR/ File

AROROY, Masbate, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang misis matapos na pagtatagain ng lala­king kaaway ng kanyang nakatatandang ka­patid sa Purok Baybay, Brgy. Puro sa bayan ng Aroroy ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the spot dahil sa malalalim na taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Reyna Daliva Tugbo, residente ng naturang barangay habang nakaligtas sa pananaga ang kanyang­ ate na si Lorena, 42-an­yos, dalaga.

Tinutugis na ng mga pulis ang tumakas na suspek na si Ariel “Bigit” Gutlay, isang gold panner.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, nakita ni Reyna ang kanyang ate na si Lorena na nakikipagtalo sa lasing na lasing na suspek.

Pumagitna umano si Reyna para umawat sa pagtatalo at pilit pi­napayapa nito ang suspek pero siya naman ang napagbalingan ng matinding galit ng huli. Bumunot ng itak ang suspek at walang habas na pinagtataga ang biktima na duguang humandusay.

Narekober ng mga pulis sa lugar ang mahabang itak na ginamit ng suspek sa pamamaslang.

vuukle comment

ARIEL “BIGIT” GUTLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with