19-anyos nakipag-eyeball, natagpuang patay
Hubo’t hubad na itinapon sa damuhan
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 19-anyos na babae na nagtungo sa bus terminal para makipag-eyeball nang matagpuang patay at hubo’t hubad sa madamong bahagi ng Barangay Sta. Monica sa Puerto Princesa City, Palawan noong Sabado ng umaga.
Sa ulat ni P/Major Loreto Maulion, tagapagsalita ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Police, kinilala ang biktima na hinihinala ring ginahasa na si Beverlyn Ampan, residente ng Purok Pastoda, Barangay Pinaglabanan, Quezon, Palawan.
Sinabi ni Maulion na nadiskubre ng isang residente ang bangkay ni Ampan habang nakahandusay sa madamong bahagi sa lugar na hubo’t hubad dakong alas-7 ng umaga.
Sa imbestigasyon ng Puerto Princesa Police, huling nakitang buhay ang biktima sa isang bus terminal station upang makipagkita umano sa isang ‘di pa kilalang tao hanggang sa siya ay mawala na at matagpuang patay.
“We are checking an information that the victim had conversation with her live in partner through text messages saying that “hindi daw siya uuwi ng bahay, and the following day her body was found dead,” pahayag ni Maulion.
Dinala na ang mga labi ng biktima sa Heaven’s Gate Funeral Homes sa Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City para sa awtopsiya o post mortem examination at vaginal swab upang makumpirma na siya ay ginahasa.
“I direct the Station Commander of Police Station 2 of Puerto Princesa City Police Office to continue their thorough investigation in order to identify the suspect/s as soon as possible so that justice for the victim and her family will certainly be provided,” ayon naman kay Brig. Gen. Sidney Hernia, Mimaropa regional director
- Latest