^

Probinsiya

8-anyos na natagpuan sa kanal, ginahasa at pinatay ng ama

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
8-anyos na natagpuan sa kanal, ginahasa at pinatay ng ama
Ito ay kasunod sa pagkakaaresto ng Taytay Police sa amang suspek na kinilalang si Romeo Garcia na umamin na umano sa panghahalay at pagpatay sa sariling anak na si Rona, kapwa residente ng Sitio Tibagan Extension, Brgy. Dolores, Taytay,
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ang sariling ama ang lumalabas na gumahasa at pumatay mismo sa 8-anyos na batang babae na natagpuang naagnas sa kanal na katabi lang ng kanilang tahanan sa Taytay, Rizal.

Ito ay kasunod sa pagkakaaresto ng Taytay Police sa amang suspek na kinilalang si Romeo Garcia na umamin na umano sa panghahalay at pagpatay sa sariling anak na si Rona, kapwa residente ng Sitio Tibagan Extension, Brgy. Dolores,  Taytay,

Si Rona ay unang iniulat mismo ng kanyang ama na nawawala noong Linggo, Enero 16.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police, dakong alas-6:20 ng gabi ng Huwebes nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa isang kanal na katabing-katabi ng tahanan nito.

Nauna rito, sa salaysay ng testigong kinilalang si Baby Jane Quijano, nakaamoy sila ng masangsang sa labas ng kanilang tahanan kaya’t hinanap ang pinagmulan hanggang sa madiskubre ang bangkay ng nawawalang batang si Rona.

Walang saplot na pang-ibaba at nakabalot pa ang ulo ng biktima nang madiskubre ang kanyang bangkay.

Ayon kay Taytay Police chief, P/Lt. Col. Francisco Panisan, nitong Biyernes ay inimbitahan nila ang ama ng bata para sa inisyal na imbestigasyon sa kaso. Dito na umano inamin ng ama na siya ang pumatay sa kanyang anak matapos niya itong gahasain.

Kuwento ng mga pulis, bago ang krimen ay inutusan pa umano ng suspek ang anak na maligo sa isang balon na malapit sa kanilang bahay. Nang nagbibihis na ang bata sa palikuran ay sinundan niya ito at saka ginahasa.

Nanlaban umano ang bata kaya’t nataranta ang suspek at sinakal ito hanggang sa mamatay. Nang makaraos, itinago niya ang bangkay ng biktima sa kanal sa tapat mismo ng kanilang bahay at saka ito iniulat na nawawala.

Ayon sa mga awtoridad, mismong si Romeo pa ang nag-report sa pulisya na nawawala ang kanyang anak noong Linggo. Aniya, katabi niyang natutulog ang anak ng alas-9:00 ng gabi ng Sabado ngunit pagsapit ng alas-11:00 ng gabi ay nawala na ito at hindi na niya natagpuan kaya kinabukasan ay isinumbong sa mga awtoridad.

Nabatid na kalalaya lamang ng suspek matapos na makulong sa isang kaso na may kinalaman sa ilegal na droga.

 

vuukle comment

TAYTAY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with