Titser timbog sa buy-bust!
IROSIN, Sorsogon, Philippines — Kalaboso ang isang public school teacher ng bayang ito matapos mahuli sa buy-bust operation na inilatag laban sa kanya ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulis kamakalawa ng umaga.
Hindi na nakapalag nang arestuhin ang suspek na si Dexter Admendilla, 42-anyos na kokonsiderang high value target at residente ng Brgy. Gabao ng naturang bayan.
Sa ulat, kumagat ang nasabing guro sa magkatuwang na buy-bust operation na inilatag ng mga ahente ng PDEA-Bicol at Irosin Police.
Nang iabot ng suspek sa poseur buyer ang biniling isang medium heat sealed sachet ng shabu sa halagang P3,400 ay mabilis na inaresto ng mga nagkukubling operatiba.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing guro.
- Latest