^

Probinsiya

Lending collector isinako, itinapon sa ilog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Lending collector isinako, itinapon sa ilog
Kinilala ang biktima na si Remar Dumalao, 32, residente ng Brgy. Anonas, Urdaneta City, Pangasinan .
Image by RP Ocampo, file

MANILA, Philippines — Isang 32-anyos na lending collector ang natagpuang patay at nakalagay sa loob ng isang sako sa may tabing ilog sa Urbiztondo, Pangasinan, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang biktima na si Remar Dumalao, 32, residente ng Brgy. Anonas, Urdaneta City, Pangasinan .

Sa ulat, mahigit na umanong isang linggong nawawala ang biktima bago siya natagpuang patay habang nakasilid sa isang sako.

Huli itong nakita sa isang compound sa Brgy. Pangdel, Bayambang noong Nobyembre 24 na nangongo­lekta ng pera.

Nang siyasatin ng mga awtoridad ang bangkay, nakita nila itong basag ang ulo, may tama ng baril sa kanang torso at pinagbabali pa ang mga paa.

Nakita rin na naiwan sa katawan nito ang 15 pellet bullets mula sa isang 12-gauge shotgun na posible rin umanong improvised lamang.

May posibilidad umano na sa ibang lugar pinaslang ang biktima at pagkatapos ilagay sa loob ng sako ay itinapon sa ilog na naanod hanggang sa mapadpad sa may tabing ilog ng Ango River sa Brgy. Poblacion, Urbiztondo.

Base naman sa post mortem examination, may ilang araw na umanong binawian ng buhay ang nasambit na kolektor bago matagpuan ang labi nito.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with