^

Probinsiya

Fish vendor niratrat ng tandem, utas

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang tindero ng isda habang nakaligtas sa kapaha­makan ang pinsan nito makaraang pagbaba­rilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Purok 1, Barangay Sibul, dito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na biktima na si Junie Malvar, nasa hustong gulang, may-asawa ng Baran­gay Paco Roman, Rizal, Nueva Ecija.

Nabatid sa ulat na alas-6:20 ng umaga, sakay ng kulay itim na motorsiklong Honda (walang plaka) ang biktima at pinsan nitong si Alfredo Graneta at patungo sa pamilihang bayan nang walang kaalam-alam na sinu­sundan na pala sila ng dalawang suspek na sakay ng kulay abuhin na motorsiklo.

Hindi nagtagal ay umoberteyk ang mga suspek at sa puntong iyon ay pinagbabaril na ang biktima na nag­re­sulta ng agarang kamatayan nito.

Bumuwelta naman ang mga suspek patakas sa direksyong timog o patungo sa lungsod ng Cabanatuan City.

Ayon sa nakaligtas na si Graneta, wala umano siyang nalalaman na na­kagalit ng kanyang pinsan upang itumba ito ng mga salarin.

vuukle comment

JUNIE MALVAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with