^

Probinsiya

Bulacan arangkada sa 3-day National Vaccination

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bulacan arangkada sa 3-day National Vaccination
Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, direktor ng Bulacan Medical Cen­ter, mula sa 98 na lugar ng bakunahan sa lalawigan kung saan kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, layon nito na makapagbakuna ng 1,000 katao kada araw habang 144,498 naman ang hangad na mabakunahan sa 21 munisipyo at 38,484 sa tatlong lungsod.
STAR / File

MALOLOS CITY, Philippines — Sinimulan na ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa mga Bulakenyo sa lahat ng sektor sa tatlong araw na National COVID-19 Vaccination Days na isinagawa sa iba’t ibang lugar dito kung saan layon nito na mabakunahan ang may 182,982 na indibidwal mula noong Nobyembre 29 hanggang ngayong araw, Disyembre 1.

Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, direktor ng Bulacan Medical Cen­ter, mula sa 98 na lugar ng bakunahan sa lalawigan kung saan kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, layon nito na makapagbakuna ng 1,000 katao kada araw habang 144,498 naman ang hangad na mabakunahan sa 21 munisipyo at 38,484 sa tatlong lungsod.

Positibo naman si Gob. Daniel Fernando na makakamit ito ng kanilang lokal na pamahalaan sa pakikiisa nito sa kampanya ng gobyerno na may temang “Bayanihan Bakunahan: Ligtas. Lakas. Buong Pinas.”

Bukas ang nasabing bakunahan sa lahat ng mga Bulakenyong may edad 12 pataas na hindi pa nababakunahan ng ­unang dose; pangalawang dose para sa mga bata at matatanda, gayundin ang mga nangangailangan na ng booster shots.

Matatagpuan ang mga vaccination site sa Bulacan sa Hiyas Pavi­lion, Hiyas ng Bulacan Convention Center para sa mga bata hanggang ngayong Disyembre 1, habang sa Bulacan Capitol Gymnasium naman para sa mga matatanda na nagtapos kahapon.

Bukod dito, namahagi din ang Pamahalaang Panlalawigan ng maagang Pamaskong Handog sa lahat ng mga binakunahan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with