^

Probinsiya

2 supplier ng pampasabog, arestado

Cristina Timbang, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 supplier ng pampasabog, arestado
Nasamsam ng mga pulis ang saku-sakong sangkap sa paggawa ng bomba na kung saan ay naaresto ang dalawang katao sa isang police operation sa Cavite at Quezon.
Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang lalaki na sangkot sa paggawa at pagsu-supply ng mga explosive components sa ikinasang buy-bust at follow-up operations sa General Trias, Cavite at Lucena City sa Quezon Province.

Batay sa report ni CIDG chief, Major General Albert Ignatius Ferro kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, nakilala ang mga naaresto na sina Charlito Tenorio, 52 ng Dapodil St. Brgy. Salcedo 2, Noveleta, Cavite ang sinasabing supplier ng controlled explosive substances at ang mastermind na si Jay Ar Suson, 34 ng Brgy. Isabang, Tayabas, Quezon.

Sinabi ni Eleazar na unang naaresto sa buy-bust si Tenorio, dakong alas-12:30 kamakalawa sa Cavite habang sa follow-up operations naman si Suson, dakong alas-5:30 ng hapon sa Tayabas, Quezon.

Nakumpiska sa mga suspek ang 30 sako na may tig-25 kilos ng ammonium nitrate na may kabuuang timbang na 750 kilos ng kemikal na ginagamit sa pampasabog at 1,000 piraso ng improvised blasting caps na nasa commuter van. Aabot sa P200,000 ang halaga ng mga pampasabog.

Inatasan ni Eleazar si Ferro na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para matukoy kung saan ibinibenta ang mga nasabing controlled explosive substances.

Giit ni Eleazar na posibleng gamitin ito ng mga unscrupolous individuals lalo na ang teroristang grupo at criminal gangs.

Sinabi naman ni Ferro na ang mga nakum­piskang pampasabog ay may blast radius na 1.5 kilometers.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 o ang acquisition or disposition of firearms, ammunition and explosives ang dalawang suspeks.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with