^

Probinsiya

Magsasaka pinatay sa harap ng mga kabaro

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang 50-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng isang kabarangay nito habang abala ito at ilang kapwa niya magsasaka sa pagtatanggal ng mga sako ng bigas sa isang bodega sa Purok 4 ng Barangay Sta. Barbara,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng San Antonio Police ang biktima na si Benito de Luna, may-asawa ng nasabing barangay, na nagtamo ng  tatlong bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Nakilala naman ang suspek na si Joselito Gatos, nasa hustong gulang ng nasabi ring barangay.

 Sa imbestigasyon, alas-8:00 ng gabi, ang biktima kasama ng tatlo pang kapwa niya magsasaka at ka-barangay na sina Wilbert Punzalan, 20, kuya nitong si Willie Punzalan, 27, at Catalino Capulong, 61, ay abala sa pagtatanggal at pagsasaayos ng mga sako ng bigas sa bodega ng isang Amang Benuya.

Hindi nagtagal ay dumating ang suspek at bigla na lamang umanong pinaputukan ng baril ang biktima na ikinagulat ng tatlong kasama.

Agad umanong tumakas ang suspek sa hindi pa batid na direksyon at patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with