^

Probinsiya

2 missing na online sellers, natagpuang patay

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
2 missing na online sellers, natagpuang patay
Kinilala ang dalawang negosyante na pawang may tama ng bala sa parte ng katawan na sina Arman Nikko Bautista 32, at April Rhon Reyes 21, kapwa naninirahan sa Laguna.

LAGUNA,Calamba, Philippines — Kapwa bangkay na nang matagpuan ang dalawang nawawalang negosyante sa loob ng kanilang sasakyan sa Barangay Banlic sa lungsod na ito.

Kinilala ang dalawang negosyante na pawang may tama ng bala sa parte ng katawan na sina Arman Nikko Bautista 32, at April Rhon Reyes 21, kapwa naninirahan sa Laguna.

Base sa inisyal na report ng Calamba City PNP, isang concern citizen ang nagreport sa himpilan ng pulisya hinggil sa kulay pu­ting Mercedez Benz Van na inabandona sa bakanteng lote, kung saan natagpuan ang dalawang biktima na kapwa may mga takip sa ulo ng blanket at karton at  duguan ang mga ito.

Napag-alaman na noong nakalipas na Sept. 21 ay umalis ang mga biktima para makipagkita sa kanilang supplier sa isang gasoline station sa Barangay San Cristobal sa lungsod ng Calamba, Laguna.

Ang negosyo umano ng mga biktima ay online seller ng motorcycle accessories.

Nabatid sa ulat na simula umanong umalis ang mga biktima para makipagkita sa kanilang supplier ay hindi na umuwi sa kanilang mga pamilya, kung saan natagpuan ang dalawang negos­yante na mga bangkay na sa loob ng sasakyan na dalawang araw na umanong nawawala.

Patuloy ang imbestigasyon ng Calamba City-PNP sa nasabing lugar at inaalam din ang motibo ng pagpatay sa dalawang negosyante.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with