^

Probinsiya

CAFGU, 2 iba pa timbog sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at dalawang kasabwat nito sa isina­gawang drug buy-bust operation sa Barangay San Andres II ng ba­yang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang tatlong nahuling suspek na sina Jaypee Rosario, 32, may-asawa, isang active CAFGU; Felizardo Barrios, 31, isang magsasaka; at Geraldine Barrios, 31, isang plain housewife, pawang mga nakatira sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, alas-6:00 noong Huwebes ng gabi, nagsagawa ng buy-bust ang mga operatiba ng drug enforcement team ng pulisya rito sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nabatid na matapos umanong magpalitan ng hinihinalang shabu at P500 bill ‘marked money’ ang police poseur-buyer at ang suspek na si Rosario ay agad na inaresto at dalawa niyang kasama.

Dalawang plastic sachet ng umano’y shabu na may timbang na 1.5 gramo at nagkakahalaga ng P9,200 ang nakuha ng pulisya sa 3 suspek.

Kasama rin sa narekober sa mga suspek ang ginamit na P500 bill ‘marked money’, 3-piraso ng aluminum foil strips, 1 lighter, 3 cellphone at 1 brown wallet.

Nakatakdang isa­lang ang 3 suspek sa drug testing upang ma­laman kung gumagamit ang mga ito ng droga at nahaharap din sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

CAFGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with