^

Probinsiya

Doktora na ex-mayoralty candidate, itinumba

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Doktora na ex-mayoralty candidate, itinumba
Kinilala ang nasawing biktima na si Dr. Amor Trina Dait, 53-anyos, residente ng Barangay Poblacion, Pilar at nakatalaga bilang government doctor sa La Paz District Hospital sa La Paz, Abra.
STAR/ File

BAGUIO CITY, Philippines — Isang doktora na dating sumabak sa mayoralty race ang patay matapos pagbabarilin ng hindi kilalang salarin na armado ng M16 rifle sa loob ng tahanan nito noong Sabado ng gabi sa Pilar, Abra.

Kinilala ang nasawing biktima na si Dr. Amor Trina Dait, 53-anyos, residente ng Barangay Poblacion, Pilar at nakatalaga bilang government doctor sa La Paz District Hospital sa La Paz, Abra.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pilar Police, habang nakaupo sa may garahe ng kanilang bahay ang doktora at naghahanda ng prescription at katabi nito ang kanyang mister nang biglang dumating ang isang gunman lulan ng motorsiklo at agad siyang niratrat.

Ang Pilar Police Station ay may 600 metro lang ang layo umano sa bahay ng biktima kaya narinig nila ang mga putok ng baril bandang alas-7:30 ng gabi sanhi upang agad silang rumesponde.

Nang makarating sa lugar, mabilis na isinugod ng mga pulis ang biktima sa Abra Provincial Hospital subalit nasawi matapos na ma-heart attack.

Narekober ng mga imbestigador ang limang basyo ng bala ng M16 -rifle sa crime scene.

Hinihinala naman ni Abra Rep. JB Bernos na ang pagpatay ay bunsod sa pulitika dahil isang malakas na pambato ng oposisyon sa kanilang bayan ang biktima.

Lumalabas na dati nang kumandidato ang biktima sa pagka-mayor pero natalo noong May 2019 elections. Ang kanyang campaign leader ay natagpuan namang patay at tadtad ng bala sa katawan sa kasagsagan ng kampanya noong 2019. 

vuukle comment

AMOR TRINA DAIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with