^

Probinsiya

Drug lords ‘di titigilan hanggang sa matimbog! – Gen. De Leon

Pilipino Star Ngayon
Drug lords �di titigilan hanggang sa matimbog! � Gen. De Leon
Ito ang pahayag na binitiwan ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Director Valeriano de Leon laban sa mga drug lords hinggil sa pi­naigting pang kampanya laban sa iligal na droga sa nasabing rehiyon.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — “We will hunt you down…and the authorities will never stop”.

Ito ang pahayag na binitiwan ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Director Valeriano de Leon laban sa mga drug lords hinggil sa pi­naigting pang kampanya laban sa iligal na droga sa nasabing rehiyon.

“Sa loob lang ng dalawang linggo, bilyun-bilyong pisong halaga na ng droga ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng PNP, PDEA, BOC, at AFP dito pa lang sa Central Luzon,” ayon kay Gen. De Leon.

Paalala pa ng he­neral sa mga sindikato ng droga na nag-o-operate at nais magpuslit ng droga sa kanyang nasasakupan-- “You can try but you will be caught by the long arm of the law.”

Noong Biyernes, tatlong malalaking drug dealer ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Angeles City na nagresulta sa pagkakakumpiska ng ilang gramo ng shabu. Biyernes din, naharang ng Customs at PDEA ang P7 milyong halaga ng shabu sa loob ng Clark International Airport mula sa bansang Malawi.

At noong nagdaang linggo, 500 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon ang na-intercept ng PNP, PDEA, AFP at Customs sa karagatan ng Zambales.

Makalipas ang isang araw, arestado naman ang isang miyembro ng Tarlac Provincial Police na sinasabing protektor ng droga sa lugar at dalawa pang sibilyan na kasama nito na nahulihan din ng ilang gramo ng shabu at cash.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with