^

Probinsiya

3 nasakote sa buy-bust sa Angeles

Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Swak sa kulungan ang tatlong hinihinalang tulak ng droga matapos ang matagumpay na magkahiwalay na buy-bust operation ng City Drug Enforcement Unit sa Brgy. Balibago at Brgy. Sto. Domingo ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni City Drug Enforcement Unit commander, P/Major Aris Gonzales, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Kim Ranzel Lumanlan, 26, nasa drug watchlist ng pulisya at residente ng 10th Street, Brgy. Lakandula, Mabalacat City; Royce Christian Sagun, 24, ng Phase II San Ignacio, Brgy Pandan, Angeles City at Ralph Allen Bunag, 25, ng Fiesta Community, Brgy. Paralaya, bayan ng Porac.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa humigit kumulang sa 5-gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P34,000.00 at 100 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang P12,000, isang unit ng Yamaha MIO na may plakang CD-90120 at perang ginamit sa nasabing operasyon.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng tatlong suspek.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with