^

Probinsiya

Bebot nagpanggap na police ­major, inaresto sa carnapping

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

CABAGAN, Isabela, Philippines — Hindi na nakapalag ang isang 22-anyos na babaeng nagpapakilalang major ng PNP matapos madakip sa isang entrapment operation sa bayan ng Cabagan sa lalawigang ito ­kamakalawa.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jebelyn Bungcag,residente ng Barangay Turod sa ­bayan ng Reina Mercedes sa lalawigang ito.

Natiklo ang modus ng suspek matapos dumulog sa himpilan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isa sa mga biktima na nakilalang si Alexander Macapulay Jr., residente ng Lasam, Cagayan at kasaluku­yang nangungupahan sa Villarta Street, Barangay District 1, Cauayan City matapos madiskubre na nawawala ang kanyang motorsiklo nitong Martes.

Agad pinaghinalaan ni Macapulay si Bungcag na tumangay sa kanyang motorsiklo dahil sa tanging siya lamang umano ang pumunta sa kanyang boarding house para kunin ang P15,000.00 na halaga bilang bayad ng biktima para matulungan siya ng suspek na makapasok sa PNP o sa pagka-sundalo.

Mabilis naman na nakipag-ugnayan ang CIDG sa tanggapan ng Highway Patrol Group kung saan inilatag ang isang entrapment operation para sa suspek.

Pumayag naman si Bungcag na makipagkita sa isang hotel sa bayan ng Cabagan matapos makausap ang isa pang biktima ng suspek na gusto ring pumasok sa PNP o Phil. Army.

Ang suspek ay dumating sa hotel na nakasuot ng uniporme ng PNP na may rank na major gamit din ang tinangay na motorsiklo.

Agad na dinakip ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong carnapping na isasampa ng HPG habang kakahara­pin din ang patung-patong na kaso na isasampa naman ng CIDG-Isabela.

Nilinaw naman ng CIDG at HPG- Isabela sa publiko na walang bayad ang pagpasok sa pulisya o sa Phil. Army kung kaya’t agad ipagbigay alam sa pinakamalapit na himpilan ng PNP kung may mga alam na kaparehong kaso para agad matugunan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with